Nais malaman ni Colleen ang tunay niyang halaga sa mundo. Sa murang edad ay marami na siyang nararanasan na pagsubok sa buhay, Siya ay nagsusumikap dahil siya lang ang inaasan ng kanyang pamilya na mag-aahon sakanila sa kahirapan. Ngunit hindi lubos maisip at matanggap ni Colleen ang nangyari sa kanyang lola na naging isa sa mga taga-suporta n'ya sakanyang laban. Simula noon ay nawalan na ng gana si Colleen sa bawat bagay kaya nais niya munang lumayo sa lugar kung saan hindi niya maaalala ang mga memorya na iniwan ng pumanaw niyang lola. Sa kanyang pag-iisa ay may makikilala siyang isang tao na pareho ng kanyang nararamdaman, Ang taong hinahanap din ang kanyang halaga sa mundo. Magagawa kaya nilang tanggalin ang hapdi ng kanilang mga nakaraan? Mababago kaya ang papanaw nila sa buhay o isa sila sa magiging dahilan upang mas magkaroon pa ng hapdi ang kanilang mga nakaraan? Two people meet with the same problems in the same place. Would they be each others remedy? Or will they be each others tragedy?