Si Krystal Lyra Arcana. Simula ng kanyang pagkabata ay isang bagay lamang ang ninais niya, ang magkaroon ng isang normal na buhay. Ang makapasok sa isang eskwelahan, magkaroon ng mga kaibigan at makisalamuha sa ibang tao. Ngunit sa hindi niya malamang dahilan ay ipinagkakait ito sa kanya ng kanyang pamilya---pamilyang kanyang kinalakihan. Bata pa lamang siya ng maulila sa mga magulang kaya naman kinupkop siya ng kanyang Tita Alice--ang pinsan ng kanyang ama at pinakamalapit niyang kamag-anak ngunit hindi naman siya magawang tratuhin nito ng tama. Ang tingin lamang nito sa kanya ay isang kasambahay o di naman kaya ay alila, kaya maging ang mga anak nito ay ganoon na rin ang tingin kay Krystal. Ngunit ang mas nakakapagtaka para sa dalaga ay ang pagbabawal nito sa kanya na lumabas o makipag-usap man lamang sa kahit na sino. Hindi siya maaaring makakita o makita ng kahit na sino. Daig niya pa ang isang preso sa piitan. Ano nga ba ang mayroon kay Krystal? At ano nga ba ang magiging papel ng Sole Academy sa pagbabago ng kanyang buhay?