Sinabi mo maghihintay ako sayo; Dahil mawawala ka at saglit lang ito; Kahit mag-isa at mahirap ito; Hihintayin kita kasi pinangako ko. Ang saya ko sa bawat araw na tayo'y magkasama; Nadarama ko sa ngiti at boses mong kay ganda; Ngunit di ko akalain isang araw bigla mong sasabihin; Na mawawala ka at kailangan mo itong gawin. Ako'y nabigla sa sinabi mong mawawala ka; At wala tayong magagawa kahit ito'y di kagustuhan; Ngunit sa sinabi mo di ako mag-aalala; Dahil pinangako mo balang araw babalik ka. Unang araw pa lang ng aking paghihintay; Para bang ako'y may sakit at sa higaan ko'y nakaratay; Kahit Bumangon para kumain wala na kong gana; Dahil ako sayo ay talagang nangungulila. Paskong pasko na ngunit wala ka; Masaya ang paligid ngunit ako'y lantang lanta; Ilang pasko na ba di ko ramdam ang saya? Dahil ang taong mahal ko di ko na naman makakasama. Sa wakas dumating na rin ang araw na pinakahihintay ko; Nagulat na lang ako may mensahe sa facebook ko; Di ko mapaliwanag ang sayang nadarama ko; Dahil nagbalik na ang taong pinakamamahal ko. Bagong taon nang kami'y nag usap muli; Sinagot nya pa ako ng walang pag-aatubili; Ngayon kaming dalawa'y ganap nang magkasintahan; Pangako mamahalin kita hanggang sa magpakailanman.All Rights Reserved