Bumangon ako at nagkusot ng mata saka lumabas ng kotse. Pag lapat palang ng paa ko sa lupa ay may kakaiba na akong naramdaman. Ano iyon? Ang tanong ko sa aking sarili. Tiningnan ko ang bagong bahay na titirahan namin. Maganda ito at kulay Peach. May dalawang palapag katulad ng dati naming bahay. May itim at medyo mababang gate at may maliit na garden na mayroong nagiisang swing. Tiningnan ko ang paligid. Tahimik ang lugar. Walang tao na nasa labas maliban sa amin nila Mama at Papa. Lahat ng pinto nang bahay ay nakasara. Bakit kaya?