'Rock on!' sigaw niya sa bawat simula ng kanyang kanta. Halata sa kanya ang pagiging rakista s'yempre dahil madalas ang pakikinig niya ng rock songs. Minsa'y sumasabay pa sa indak tuwing lalakad siya sa corridors ng university bago pumunta sa mga klase niya. Hindi naman ito nagugustuhan ni Charisse, isang simpleng estudyante at hindi competitive sa klase, kasama ng mga kaibigan niyang sobra naman ang paghanga sa propesor na ito. Astig daw kasi! Suot ang kanyang paboritong Converse na sapatos sa bawat entabladong inaakyatan, saan kaya siya dadalhin nito sa hinaharap?