Synopsis:
Nagmahal ka na ba? Nasaktan na ba yang puso mo? Naging masaya ka na ba sa huli? Or have you had your heart broken by the person you thought that would take care of it? Itong storya na ito ay tungkol sa pagibig na dumating ngunit nakakadalawang isip kung totoo nga ba talaga iyon. Naglaho nalang ng basta basta, at kinalimutan nalang na parang bula.
Macey Delavin, dalawampu't-walong gulang, isang simpleng babae, maganda, mabait, at higit sa lahat matalino. Ngunit bakit pagdating sa isang tao, ay nakakalimutan niyang mag isip kung anong tama't mali? Na para bang sa iisang tao lang umiikot ang kaniyang mundo.
Ganito nga ba talaga ang takbo ng pag-ibig? Sa takot na mawala ang tao ay handa kang magpaka tanga? Kahit darating man ang panahon na makalimutan mong mahalin ang iyong sarili para lang sa kaniya? Alamin ang storya ni Macey sa pamamagitan ng pagbasa sa rollercoaster ride na kwento na ito.