Limang taon. Limang taon na paghihintay. Limang taon at mahal mo pa rin siya. Paano kung isang araw, pagkalipas ng limang taon, pag-gising mo boyfriend mo na siya. "Good morning gorgeous." Halata sa mukha niya ang pagkabigla pero di ko na lang pinansin. Siguro kung wala kami sa panaginip ko ngayon, kanina pa ako tumakbo palabas ng kwarto ko. Kwarto. Kwarto ko? "Hindi ito ang kwarto ko." Sabi ko sa sarili ko ng matanaw ko ang dagat sa may bintana. Umupo ako't ikinalat ang tingin sa paligid. Sa may sidetable nakita ko ang walang laman na bote ng Bacardi. Ilang ulit akong napalunok ng laway bago nagkaroon ng lakas na loob na lumingon sa taong nasa tabi ko. "Hindi ka panaginip." °•°•°•°•° Ako si JM at ito ang kwento ko. Ito ang [CallCenter] Diary ko. Love ° Friendship ° Family
30 parts