72 parts Complete MatureMedyo tanggap ko nang hanggang third wheel lang talaga ako. Kahit tenth wheel nga siguro tanggap ko na rin.
* * *
Walang hiyang med school. Hindi ako makalandi. (insert mga mura)
* * *
Dalawang taong hindi malaman kung kailan ba nila mapapalitan 'yung relationship status nila sa Facebook; from Single to In a Relationship, ay biglang nagkita sa isang bar. Iyong isa, nahigit lang ng mga kaibigan kaya pumayag na rin kasi masarap naman daw 'yung pulutan. Iyong isa naman, planong humanap ng kalandian kasi, finally, nakalaya sa medical books niya.
Nakahanap nga siya ng kalandian. Sino pa ba? E di 'yung nahigit lang ng mga kaibigan kaya pumayag na rin kasi masarap naman daw 'yung pulutan.
At dahil pareho silang maloko, nauwi sila sa sarili rin nilang kalokohon. Iyon ay ang gawing jowa ang isa't isa.
Paano ba naman, 'yung isa, lagi na lang third wheel. Kahit fling wala talaga. Never been kiss, never been touch. Iyong isa naman, sa sobrang busy sa medical school ay nakalimutan niya na kung ano'ng feeling ng kilig. Gusto niya pa rin maranasan. Gusto nilang maranasan. Kaya napagkasunduan nilang ibibigay nila 'yon sa isa't isa; gagawin ang mga bagay na ginagawa ng mag-jowa.
Pero siyempre, lahat ng 'yon, sikreto lang.
Hanggang saan sila dadalhin ng sikreto nila?
| Tell Them About Us (BYAM Spin-Off)
| an epistolary novel
| 2022 © reyincarnation
Started: November 26, 2022
Finished: February 12, 2023