Dahil sa sobrang sakit ng kalooban dulot ng kaniyang nobyo at kapatid ay lumayas si Andrea sa kanilang lugar. Gusto niyang magpakalayo-layo dahil sa pagtataksil ng mga ito. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pag-alis niyang iyon ay magkakaroon ng kabuluhan dahil sa isang lalaking makikilala niya pagkatapos ng sakit na pinagdaanan niya. Si Shan, ang lalaking iibigin niya sa kabila ng magaspang na ugali nito, at siya rin ang magiging dahilan upang manumbalik ang sex life nito na matagal ng nawala dahil sa isang trahedya.