SA TUWING KAPILING KA
Natulala si Mark Sandejas at hindi makapaniwala sa kagandahan ni Claire Relado. And to think na muntik na siyang nagkamaling makipagkilala sa dalagang iyon! Ito ang babaeng napabalitang may kaugnayan sa kapatid niyang itinakwil ng kanilang ama. Marami pang magagandang babae, kumbinsi niya sa sarili bago tuluyang iwinaksi na ang dalaga sa isip.
Dalawang taon ang lumilipas mula nang tagpong iyon. Ngayon, sa muli nilang paghaharap ni Claire, naroroon pa rin ang kabog sa kanyang dibdib sa tuwing tititig sa kagandahan nito. Ang kaso, mas matindi pa ngayon ang dahilan kung bakit hindi niya maaring pagbigyan ang damdamin.