Isang lalaking sugatan ang mahinahong naghihintay sa labas ng guidance office nang bigla siya may naramdamang kakaiba. Pagtingin niya sa harap niya, bumungad ang isang lalaking nakatitig sa kaniya suot ang isang maganda at matamis na ngiti. Ang mga titig niya ay kakaiba, hindi ito tulad ng iba na hinuhusgahan siya. Sa mga sumunod na pagkikita nila, hindi nila inaalis ang titig nila sa bawat isa. Matira matibay. Unang tumingin palayo, talo. Hanggang kailan nga ba nila kayang titigan ang bawat isa?All Rights Reserved