『Hinirang na Anito #5』
Sa mundong kinukubli ng kadiliman, ang nakakabighaning paraisong para sa mga nilalang na makasalanan ay siyang matatagpuan. At sa isang kisapmata lamang, ang nakabubulag na liwanag ay masisilayan mula sa nagniningas na palad ng natatanging alagad ni Sitan; alagad na tapat at buong pusong sumusunod sa kinatatakutan, na nagmula mismo sa kanyang sariling tadyang.
Sa munting bituwin sa Karimlan, ang karumaldumal na tadhana ay matatamasa. Na ang inaakalang mainit na haplos, walang katapusang sayawan at hiyawan ay isang matinding lason na lumalamon sa isipan.
Dahil sa pagkaubos ng oras, ang liwanag ay magpapaalam. At sa paglisan ng liwanag. . .
Ang Pagtikatik ng mga Alabok ay sasakop sa himpapawid, at mag iiwan ng malagim na alaala sa sanlibutan.Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang