May isang babae na hindi mo naman maihahalintulad sa ibang babae na nagsisigandahan ang mga kurba ng katawan dahil isa siyang babae na may katabaan ang pangangatawan. At dahil sa pangangatawan niya ay madalas siyang matukso at asarin ng mga taong nakapaligid sakaniya.. Sa mga panahon na iyon ay nakaramdam siya ng isang hindi niya maintindihan na pangyayari na ngayon lang niyang naramdaman.. Para bang pinagsama-samang... Lungkot. Sakit. Panliliit sa sarili. At ang inaakala niyang mundo na siyang magtatakwil sakaniya ay doon niya pa makikilala ang mga makukulit ngunit mga lalaki na naging dahilan kung bakit bumalik ang dati niyang pagmamahal sa sarili.
More details