𝖣𝖺𝗆𝖽𝖺𝗆𝗂𝗇 𝗇𝗀 𝖻𝖺𝗐𝖺𝗍 𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺, 𝖡𝗂𝗇𝗎𝗈 𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗍𝗎𝗅𝖺. Nagsimula ako sa maikling katha, hanggang sa ang isipan ko ay mahasa, para magsulat ng mga tula, tulang ibabahagi sa madla. Mga letra at inspirasyon, pinag-isa ng imahenasyon, nakabuo ng isang salita, hanggang sa bawat pangungusap ay maitala. Ang aklat ay muli ko ng bubuksan, bawat pahina ay naglalaman, ng mga damdamin ng isang makata, sana ay magustuhan nyo ang aking mga gawa.