Nagawa niya itong saktan subalit wala siyang maramdamang tuwa sa puso niya. Nakita niya ang naipinta niyang sakit sa mga mata nito. Dapat natutuwa siya sa nangyari, dahil nasaktan niya ito tulad ng gusto niyang iparamdam dito ngunit wala siyang makapang tuwa sa dibdib niya. Gusto niyang magalit sa sarili kung bakit nagkakaganito siya. Si Seth ang dahilan kung bakit nagdurusa si Bryan sa huling sandali nito. Nang panahong nahihirapan siya sa pagkawala ni Bryan, ginamit nito ang pagkakataong iyon upang pagsamantalahan ang sugat na nararamdaman niya. Pero bakit hindi siya natutuwa sa nakita niyang sakit sa mga mata ni Seth? Hindi ba't ito ang gusto niyang mangyari? Ang saktan at pahirapan ito? It was all his fault! All of it! Kaya bakit naninikip ang dibdib niya?All Rights Reserved