Pamahiin pagbuntis, pera, pagibig: Superstitions, customs, Philippine tradition Karamihan sa atin ay naniniwala sa mga pamahiin (superstitious beliefs, superstitions). Halos sa lahat ng mga okasyon sa ating buhay ay may mga pamahiin na namana natin sa mga nakatatanda. May mga taong nagsasabing wala naman tayong napapala sa pagsunod sa mga ito tulad ng pagtalon tuwing bagong taon upang tumangkad. Kahit ilang bagong taon pa ang lumipas, ganon pa rin naman ang tangkad natin. Ika nga nila, wala din namang mawawala kung gagawin natin ang mga ito. Narito ang ilan sa mga pamahiin na madalas nating marinig.