Mahirap maging isang artista. Oo, maganda, magaling, 'astig', pero... akala lang ng mga tao 'yon. Dahil hindi nila nararanasan ang nararanasan naming mga artista. Shootings, photoshoots, fan meeting, fan signing events, concerts, shows. Sakit sa ulo! Minsan nga, naisip kong itigil na ang paga-artista ko at magkaroon ng tahimik na buhay! Pero, kailangan kong i-satisfy ang mga magulang ko, it's their dream for me to shine. Mahirap ngumiti nang ngumiti, nakakangalay, nakakapagod. Ayaw ko ng makipagplastikan sa mga tao, pero, I need to.
I'm Haziel Daise Gomiornne, known as Daise Ionne, and this is the story of my life as a celebrity.
***
All Rights Reserved