Ang Skincare Routine Ng Nerdy Boy [ COMPLETED ] ✔️
34 parts Complete MatureSTAND-ALONE SERIES #1
[ COMPLETED ] ✔️
Ako si Danrel. Isang nerdy boy. Invisible sa mata ng lahat ng tao dahil pangit ako. Isang lalaki na hindi confident sa sariling itsura. Maitim, may pimples sa mukha, kulot ang buhok, at higit sa lahat baduy kung manamit.
Kinukutya pa ako ng nakakakita sa akin dahil ang payat ko pa. Para na raw akong kalansay na hindi kumakain sa tamang oras.
Sabi nila, be yourself. Embrace your imperfection. Feel your own uniqueness. Kasi kapag tanggap mo raw ang sarili mo, mas mamahalin ka ng mga tao. Specially ang mga nakapaligid sa'yo. At higit sa lahat, ang mga mahal mo sa buhay.
Pero minsan hindi ko rin mapigilang mainggit sa mga taong may magagandang mukha. Kasi aminin man natin sa hindi. Marami ang kagaya ko na naiingit din.
Paano kaya ako mapapansin?
Paano ba maging sikat at guwapo sa paningin ng ibang tao?
Paano ko kaya susulusyunan ang problema kong ito?
May paraan pa ba akong kuminis sa mata ng mga tao?