HINIRANG NA ANITO #6 SI ATARAH ay isang taong sanay mamuhay maralita. Isa siyang dalaga na sa simula pa lamang nang magkamalay sa mundong ginagalawan-na kung saan kung hindi siya kikilos ay hindi magkakaroon ng laman ang kaniyang kalamnan-ay natuto nang makibaka at gumawa ng sariling pagdaloy ng kaniyang tadhana. Maaga siyang namulat sa reyalidad at hirap ng buhay na naging dahilan kaya naman nang may kaunting liwanag na sumilip sa madilim niyang kinasasadlakan, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa na bitiwan ang kung ano ang kaniyang nasa likuran upang sunggaban iyon na sanang magsisilbi niyang kinabukasan. Subalit, hindi lahat nasusunod sa kagustuhan ng tao. Ang liwanag pala na iyon ay panandalian lamang na tila paghahabol sa hangin-walang kabuluhan. Matapos noon, isang mahabang pagkalito na lamang ang tumalima sa kaniya. Ano na nga ba ang nangyayari?
4 parts