Elizabeth Cornelius: The Vicinity Of Death
  • MGA BUMASA 1,629
  • Mga Boto 138
  • Mga Parte 25
  • MGA BUMASA 1,629
  • Mga Boto 138
  • Mga Parte 25
Ongoing, Unang na-publish Jan 25, 2022
"Ang pagwawakas mo ay pasimula ng bagong kabanata ng buhay ko, dahil ang katawan mo ay katawan ko, ngunit ang pagkatao at k'wento ng buhay ko ay ibang-iba naman ng sa'yo." - Vicinity Alargon.

****

Si Vicinity Alargon na anak ng isang mabagsik at malupit na Pinuno ng isang ilegal na Organisasyon ay makakaranas ng hindi pangkaraniwang pangyayari. S'ya ang babaeng hindi nakaranas ng pagmamahal ng isang Ama. Kaya't sa pagbabaka-sakaling mahalin din s'ya nito balang-araw, natutunan n'yang humawak ng baril sa murang edad pa lamang. 

Ngunit paano kung isang araw subukin s'ya ng kapalaran? Anong gagawin niya kung matapos n'yang mamatay ay muli s'yang mabuhay... ngunit sa wakas ng isang nobela na isinulat ng kan'yang Ina?

Anong maaaring n'yang gawin gamit ang hiram na katawan?
All Rights Reserved
Sign up to add Elizabeth Cornelius: The Vicinity Of Death to your library and receive updates
o
#4makata
Mga Alituntunin ng Nilalaman
Magugustuhan mo rin ang
Magugustuhan mo rin ang
Slide 1 of 10
Penultima cover
Ain't No Other cover
His Tainted Reputation cover
Epicenter Tape #1: Eleventh Hour cover
Bittersweet Kiss in Batangas | Self-Published cover
Wonted Heat cover
Mirren Academy of Spells cover
Bride of Alfonso (Published by LIB) cover
Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1) cover
Sorciere Academy: Bewitched cover

Penultima

10 Parte Ongoing

Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos