No attachment means no abandonment for Derick Cyd Medrano until he met Ked Viancé Briones.
Ang tanging gusto lamang ng binata, magmula ng araw na iyon, ay ma-overcome ang sarili niyang phobia nang makaamin na't maangkin ang babae nang walang takot at pag-aalinlangan.
To do that, he availed In Vivo Exposure Therapy. Pamilya ang participants dahil sa kanila naman nag-ugat ang lahat. Pero, imbis na mawala ang mga sintomas, lalo lamang lumala. Palpak. Wala namang kaalam-alam ang iniibig kung kaya't patuloy itong umiwas at nagpakalayo-layo.
Sa kabilang banda, hindi matanggap ng psychologist ang naging resulta. Hindi pa ito nabigo kailanman. Dahil diyan, sikreto niyang kinuntsaba ang magulang ng dalawang partido.
"Clarification... You're planning to expose my son to the most anxiety-provoking situation, and that is, to live with his dream wife?" Hindi pa man nakakasagot ang tinatanong, sumang-ayon na ang matanda. "Much better. I agree with you. Nasa kumpare ko na ang huling desisyon," tukoy nito kay Mr. Briones, ama ni Ked, na nakatuon ang paningin sa mga confidential forms, silently hoping for his daughter's speedy recovery from agyrophobia.
Safest Haven Series #1: Exposure Therapy
Written by Arrietty Villegas [arayati]