Ito ang kwento ng pag-ibig nina Pedring at Gracia Amor,pagmamahalan na nangyari lamang sa loob ng isang linggo. Si Pedring ay isang simpleng binata na lumaki sa probinsya kasama ng kanyang mga magulang at mga kapatid.Siya ay isang mabait at mapagmahal na anak,pagkatapos ng kolehiyo nagdesisyon siyang pumunta ng siyudad para magtrabaho. Si Gracia naman nanggaling siya sa isang malungkot na nakaraan,maaga siyang naulila kaya mag-isa nalang siya sa buhay,pero kahit na ganoon ang nangyari sa kanya,naging masiyahin at positibo pa rin ang pananaw niya sa buhay. Hanggang sa isang araw magtagpo ang mga landas nina Pedring at Gracia,dun magsisimula ang kanilang lovestory. Si Pedring na isang gwapong probinsyano ay makakatagpo ng isang mestisang citygirl na si Gracia Amor. Magkaibang pagkatao, magkaibang mundo,dalawang tao na nakatakdang mahalin ang isat isa.Ito ang kanilang lovestory,isang napakaiksi at napakabilis ngunit walang hanggan na storya ng pag-ibig.
7 parts