Ang kasal ay isang sagradong biyayang ibinibigay sa mag-asawang nagmamahalan, na bumubuo ng isang pamilya. Hindi layunin nito ang isang perpektong pagsasama, ngunit sa halip ay isang magandang relasyon na hindi maihahambing sa iba. Alinmang kailangan mong harapin kung ang isang bungkos ng kaligayahan o kailangan mong harapin ang isang bungkos ng kalungkutan.
Si Jane ay isang tatlumpu't isang taong gulang na babae, isang asawa, at isang mapagmahal na ina sa kaniyang mga anak. Siya ay kasal sa isang lalaking marangal, isang sikat na negosyante na nagngangalang Jester. Ang kaniyang asawang si Jester, ay may edad na tatlumpu't dalawang taong gulang na batang lalaki na pinagkalooban ng magandang hitsura at namumukod-tanging pagganap pagdating sa paglalarawan ng trabaho.
Noong una, namuhay ng masaya at kuntento ang mag-asawa kahit hindi biniyayaan ng anak. Nang mabuntis si Jane pagkatapos ng mahabang paghihintay, kaunting pagbabago ang naobserbahan niya sa kaniyang asawa. Napanghinaan ng loob si Jester sa hubog ng katawan ng kaniyang asawa kaya hindi siya kumportableng pakisamahan ito. Isa pa, inayos ng mga magulang ni Jester na magdiborsiyo sila, ngunit tinanggihan ito ni Jane.
Hanggang sa dumating ang panahon, napansin ng maybahay ang madalas na pagbabakasyon ng kaniyang katuwang sa buhay sa ibang bansa. Sinundan niya ito at nalaman niyang may babae nga iyon. Sinuri niya ang lahat ng dahilan kung bakit ginawa iyon ni Jester sa kan'ya, ngunit maging ang kan'yang mga biyenan ay napilitang itago sa kan'ya ang katotohanan. Sa kan'yang galit, nakahanap siya ng paraan para makapaghiganti sa kan'yang asawa.
Sa plot na ito, posible bang may iba pang itinatago si Jester sa kaniyang maybahay bago sila ikasal? O ano ang pangunahing dahilan ng lalaki sa pagkakaroon ng mistress? And the worst question is, bakit mistress ang tawag sa asawa niya? Sama-sama nating tunghayan ang realidad ng kwentong ito.
Si Allyson Jane Buenaventura ay lumaki sa isang marangyang pamumuhay. Maganda at desenteng babae dahil nakapag tapos sa isang prestihiyosong paaralan sa New York.
Lumaki siyang abot kamay ang lahat ng gusto niya, ngunit ang kagustuhang maikasal at makapag pamilya ay tila ba'y naging mailap ang tadhana para ibigay ito sa kanya.
Matagal na niyang kasintahan si Attorney Fabian Lloyd Bendijo at sigurado na siyang ang binata ang gusto niyang makasama habang buhay. Ngunit sa mismong araw ng kanilang kasal ay hindi siya sinipot ng binata, na naging dahilan upang madurog ng sobra ang kanyang puso.
Nang maglaro ang tadhana ay pinagtagpo uli sila sa isang hindi inaasahang pangyayari matapos ang mahigit apat na taon. Hahayaan ba niyang magpaliwanag ang binata sa totoong rason ng kanyang hindi pagsipot? O itutulak niya ito palayo dahil sa takot na masaktan siya uli nito?
May pangalawang pagkakataon pa ba na maghilom ang mga puso nilang sinugatan ng panahon? Mahahanap kaya nila ang tunay na pormula patungo sa walang hanggang pag-ibig?
Is there a second chance for them to have a second happy ending? ABANGAN.
[The picture is not mine. Credits to the rightful owner.]