Sa isang bansang hindi tahasang kinikilala ang usapin ng mental health, mahirap ang mamuhay nang normal.
Ito ang napatunayan ni Rose, isang fresh graduate at bagong alipin ng kapitalismo, matapos niya mapag-alamang higit pala sa sama ng ugali ang ugat ng kaniyang problema sa pakikipag-kapwa. Nang dahil sa kaniyang pinagmulang pamilya at materyal na kalagayan, huli nang napag-alaman ng dalaga ang tungkol sa kaniyang BPD at kung paano siya mamumuhay kasama ito. Bagaman naigapang ng dalaga ang therapy, higit na problema niya ang pagbibigay-alam nito sa mga tao sa kaniyang paligid at kung paano nila tatanggapin ang katotohanan sa kaniya, at sa libo-libong tao pa sa bansa nakararanas ng problemang mental.
***
Ang kuwentong ito ay isang tangkang pagsusuri sa estado ng mental health sa bansa-- at kung paanong ang hindi pagiging aksesibol nito para sa lahat ay nagdudulot ng malaking epekto sa sarili at personal na relasyon ng mga indibidwal na apektado nito.
Ito ay produkto ng piksyon, at anumang kaganapan na may pagkakahawig sa buhay ng isang tao--nabubuhay man o hindi, ay 'di sadya ng may akda.