Nang makilala ni Yashashrie Charlotte Honteveros, Chai for short. si Lolo Emanuel ng pamilyang matagal na niyang pinapangarap. Labis niyang ikinagulat ang pakiusap nitong pakasalan niya ang apo nito na sa larawan pa lamang at kuwento ng mga kasambahay ay nagpatibok na ng kanyang puso. Si Khaiden Clearven Tyller Villamonte na yata nagtataglay ng lahat ng mga katangiang hinahangad ng isang babae base na rin sa mga naririnig niya ukol dito. Subalit taliwas sa inaaasahan niya ang naging reaksiyon ni Khai nang makita siya. He thought she was a user and gold-digger. Iniisip ng binata na ginagamit ni Chai ang kanyang lolo niya para yumaman at kunin ang lahat ng ari-arian nila. Sino ba naman siya para pakasalan ng isang gaya nito? Malabo talagang papakasalan o magkagusto sa isang gaya lamang niyang mahirap at simple nga babae. Mas nababagay ito sa mga mayayamang ka uri nito. Ngunit hindi mapigilan ang nararamdaman niya na sa isang iglap ay magbabago ang pagtingin nito sa kanya. She silently wished to God that she'd finally be Villamonte's Bride someday.