"We look like a family, but we don't feel like we're family at all." Si Nix ay isang normal na babae na napakatalino sa campus ngunit may malalaking isyung pampamilya sa bahay. Sa pagcecelebrate ng kanilang pagtatapos ng second year college, nalasing si Nix at nakipag-one-night stand sa isang estranghero. Makalipas ang ilang buwan, nalaman niyang buntis ito. Nagpasya siyang panagutan ang bata, ngunit sunod sunod ang mga kamalasang nangyare na naging dahilan upang magpasya siyang ibigay ang sanggol sa mga mag-asawang matagal nang nananabik magkaroon ng anak. Nagpasya siyang simulan muli ang kanyang buhay sa U.S. And this is how the family circle breaks into pieces. Pagkalipas ng 8 taon, nagkita-kita ang 3 miyembro ng pamilya. Sa hindi inaasahang paraan at pagkakataon. Ang ama, isang moody CEO at isang may-ari ng isa sa pinakamalaking business tycoon sa business industry, Ang ina, isang normal na licensed teacher sa high school, isang sub teacher sa ika-3 baitang sa Dallas, at ang anak, ang "Cold than Ice" top honored student sa buong campus, isang unpredictable na bata. May posibilidad ba na ang mga sirang piraso ng pamilya ay nagkakaisa? ...O nagdudulot lang ito ng masakit na hiwa sa bawat miyembro? Family Circle by chillincatnblue AllRightsReserve.Chellrich.January2022
36 parts