Nagulo ang tahimik na mundo ni Maxene Perrera nang dumating sa buhay niya si Tyrone Imperial, ang may-ari ng hotel na pinagtatrabahuhan niya. Hindi napigilan ng puso niya na mahalin ang binata kahit alam niyang maraming tututol sa relasyon nila. Nang malaman ng ama ni Tyrone ang nalalapit nilang kasal ay ginawa nito ang lahat para hindi siya makarating sa simbahan. Ito rin ang dahilan kung bakit unti-unting nasira ang buhay ng dalaga. Mahirap man ay pinilit bumangon ni Maxene at buuing muli ang sarili. Hanggang sa maging isa siyang successsful business woman at sikat na event coordinator. Pagkalipas ng limang taon ay muling nag-krus ang mga landas nila ni Tyrone. At siya lang naman ang magiging wedding coordinator sa nalalapit nitong kasal. Paano niyang haharapin ang matinding galit ng lalaking kailanman ay hindi nawala sa puso niya? Paano niyang magagawa nang maayos ang trabaho kung ang kliyente niya ay walang ibang hangad kundi ang gantihan siya? Hahayaan niya na lang bang makasal si Tyrone sa ibang babae o ipaglalaban na niya ang pagmamahal para sa dating kasintahan na hindi niya nagawa noon?