Sa edad na 20, si Aena ang solong nagtataguyod sa nakababata niyang kapatid na nasa elementarya pa lamang. Bata pa sila nang pumanaw ang kanilang ama, at hindi nagtagal ay nagkasakit ang kanilang ina ng kanser. Dahil sa kakulangan ng pera para sa pagpapagamot, hindi rin nagtagal at binawian ito ng buhay. Hindi na rin nakapagtapos ng pag-aaral si Aena dahil kinailangan niyang magtrabaho para sa kanilang magkapatid. Wala silang ibang maaasahan kundi ang sarili niya, dahil wala silang kamag-anak sa lugar na iyon. Napadpad siya sa Maynila at doon nagkaroon ng trabaho bilang kasambahay. Ngunit paano nga ba mababago ng pagiging kasambahay ang takbo ng kanyang buhay? Paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay mahulog ang kanyang loob sa isang lalaking may karelasyon na? Handa ba siyang makisali sa isang bawal na pag-ibig?All Rights Reserved