Bata pa lang si Shanhea ng maghiwalay ang mga magulang nya, siya ang isinama ng kanyang ina sa pag uwi nito sa Pilipinas, samantalang ang kanyang ate na si Andrea ay naiwan sa kanilang ama. Mula noon ay wala na silang naging komunikasyon ng ama at kapatid, kahit pa ng mamatay ang kanyang ina sa sakit na cancer ay hindi rin siya inuwian ng ama. Ngunit isang araw ay tumawag ang Tita nya para ipaalam na susunduin sya ng kanyang ama. Masayang masaya si Shanhea dahil sa wakas ay makakasama na niya ang kapatid at ang kanyang ama. Maging masaya kaya ang reunion nila o dala lang nito ay dagdag na sakit at sama ng loob?