BE MY VALENTINE BOOK III - BE MY CARAMEL BY SUMMER LOUISE
Isang showbiz insider si Yssa Perez. Lahat ng tsismis, scandal o bagong balita
tungkol sa mga artista ay hindi niya pinapalampas. Ginagawa niya ang lahat ng paraan
na alam niya para makakuha ng balitang kikiliti sa mga fans o kaya naman ay yung
kikita siya ng limpak-limpak na salapi. Kahit nga mag-disguise pa siya ay gagawin
niya para lang makakuha ng tsismis sa isang artista.
Hanggang sa dumating ang pagkakataon ng dahil sa propesyon niya ay
napahamak siya. Nakasaksi siya ng isang krimen na naging dahilan para magulo ang
mundo niya. At hindi rin niya akalain ng dahil sa nangyaring iyon sa kanya ay muling
magku-krus ang landas nila ni Lewis Carter. Dating artista na siya ang may dahilan
kung bakit nalaman ng buong mundo ang tungkol sa paghihiwalay ng asawa nito. At
kung mamalasin talaga, napunta pa kay Lewis ang iniingatan niyang mga ebidesya sa
krimen na nasaksihan. At alam niyang dadaan muna siya sa butas ng karayam para
makuha ang mga ebidesya kay Lewis dahil inis at galit pa din ang binata sa ginawa
niya dati dito.
Pero siya si Yssa Perez. Wala sa bukabularyo niya ang salitang suko at kahit
kailan ay hindi siya magpapatalo kay Lewis. Pero bakit parang ang gwapo talaga nito
sa paningin niya? Bakit parang kumakabog ang dibdib niya kapag nasa tabi niya ito?
At bakit parang sarap na sarap siya sa mga halik ng binata?
Ah, baka may ibang paliwanag sa nararamdaman niya. Mukhang umiibig na siya
kay Lewis.