Forever With You
Written By: GoddessTheophania
"They say, forever doesn't exist. No, it does. Forever exists ... beside you. So, let me stay forever with you."
Nasa elementary school pa lang silang dalawa, nagtapat na ng nararamdaman si Stephanie kay James. Ngunit hindi katulad ng mga pantasya, rejection ang natanggap niya.
Marami mang pinagdaraanan, hindi naglaho ang ngiti ni Stephanie Reyes. Used to playing the always-seemed-to-be-fine girl, she's never got tired keeping up that cover. Siguro'y 'yon ang dahilan kaya't sa kabila ng katotohanang hindi siya nito magugustuhan, nanatili pa rin siya sa tabi ni James Cortez.
He's immature, James knows that. Pero marami mang hindi nalalaman, tila sigurado siyang hinding-hindi niya magugustuhan ang kaibigan. Kaya nga nang dumating si Trixie Guevara sa buhay niya, walang pagdadalawang-isip siyang tumaya sa sugal na wala siyang kaalam-alam ... nang hindi inaalala ang mga mangyayari ... nang hindi man lang iniisip si Stephanie.
"Akala ko hindi na 'ko magmamahal pa. 'Yon pala, ikaw lang ang hinihintay nitong puso ko."
Nahaharap sa isang financial problem ang pamilya ni Bridgette. Kailangan niyang kumita ng pera para mabayaran ang bangkong pinagkakautangan nila para hindi makuha ang lupa't bahay nila.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli niyang nakita ang high school classmate niyang si Takehiro.
Sinabi ni Takehiro na tutulungan siya sa financial problem niya kung tutulungan din niya ito. Pinagpanggap siya ni Takehiro na buntis na girlfriend at ipinakilala sa pamilya para daw hindi na ito papuntahin sa Japan.
Madali lang naman sana ang deal nila, smooth sailing na ...
Kaya lang, kung kailang na-in love na si Bridgette kay Takehiro at balak nang totohanin ang relasyon nila, saka naman dumating ang "fiancée" ng binata... at wala siyang kaalam-alam do'n!
https://www.facebook.com/The-Nightingale-Trilogy-1502439353329197/
https://www.preciousshop.com.ph/home/
https://preciouspagesebookstore.com.ph/
https://www.facebook.com/Precious-Pages-229654370425644/
https://www.facebook.com/BooklatOfficialPage/