Meet Ms. Principle, ang binibining hindi naniniwala sa destiny. Ay, mali pala. Take two! Meet Ms. Principle, ang binibining hindi naniniwala sa love. Mula pagkabata ay hindi niya naramdamang kamahal-mahal siya sa mundong ibabaw. Nabubuhay lang siya dahil sa kanyang pangarap, prinsipyo, at dignidad. Kaya naman hindi na kataka-takang butata lagi ang mga nagtatangkang bihagin ang kaniyang puso. Pero paanong ang isang taong napakalayo ng pag uugali sa kaniya ay nagawa nyang gustuhin? Ay, mali pala. Take two! Pero paanong ang isang taong napakalayo ng pag uugali sa kaniya ay nagawa niyang mahalin? Meet Mr. Mapilit, ang lalaking sobrang competitive. Likas na talaga sa kaniya ang hindi nagpapatalo kahit saan mang bagay o lugar. Sa bahay nila, sa eskuwelahan, o sa pag-ibig man. Minsan na siyang nabigo na mapasakanya ang babaeng gusto niya. Ito ang lalong nagbigay sa kanya nang ideya na siya ang laging tama. At kung magtagpo man sila, mahulog man ang loob sa isa't-isa, at magkatuluyan man kung sakali. Paano sila magkakasundo kung ultimo pagtitimpla ng kape, eh, magkaiba sila ng pamamaraan?