At the age of twenty seven, puro trabaho sa ospital ang inaatupag ni Joelene Madriaga. Resident doctor sya sa Jose Reyes Memorial Hospital. Bago yon ay nagtrabaho din sya biglang isang registered nurse sa mismong ospital na din. Masaya siyang magamit ang talino sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong pinansiyal. Hindi na bago Kay Joelene ang makisalamuha at tumulong sa mga mahihirap dahil ganoon siyang pinalaki ng mga magulang. Kahit nagmula sa mayamang angkan, lumaki si Joelene na may mababang kalooban. Ang kanyang ama ay nagmula sa pamilya ng mga pulitiko at ang kanyang ina naman ang siyang namamahala ng negosyong hotel na minana pa nito mula sa mga magulang. Sa unang tingin hindi aakalain ng kahit na sino na simple at mabait ang dalaga. May ganda sya na angat sa nakararami at di rin matatawaran ang kanyang angking talino. Pero bakit sa kabilang ng magagandang katangian, nagawa pa din ni Rigor na basta na lang siyang iwan ng walang sabi-sabi?All Rights Reserved