#WARNING #SPG Masayang namumuhay mag-isa si Daphne bilang Doctor. Hanggang sa nalaman niya mula sa kaniyang Ina na siya pala ay naka-arranged marriage sa isang lalaking hindi niya kilala. Sobrang hirap para kay Daphne na tanggapin na lang basta ang mangyayaring kasal. Kaya naman may isang desisyon siyang hindi niya lubos na pinag-isipan at pinaghandaan. Isang gabi na puno ng pagnanasa at kapusukan. Mas pinili niyang Ibigay ang kaniyang pagkabirhen sa isang estranghero. At sadya namang mapaglaro ang tadhana, dahil ang lalaking kaniyang nakasama nang gabing iyon ay si Treyton Louis Fuentevalle, ang lalaking kaniya pa lang pakakasalan. Ngunit, ang nakapagtataka ay hindi siya naaalala ng lalaki, at ang mas masakit ay ang kapatid niya ang naaalala nito nang gabing sila ang magkasalo. Matutuloy pa ba ang kasal? Makakayanan ba ni Daphne na makasama ang lalaki habang kahati niya ang kaniyang kapatid na higit niyang kinaiinisan? Paano kung malaman niya ang tunay na motibo ni Treyton? Kakayanin pa kaya niya? ✓ Exclusively in Goodnovel!