Si Maddalena Castillo ay ipinanganak na mulat sa hirap. Katulong lang ang ina nya, at ulila sya sa ama. Matalino syang bata, mabait at marunong hindi magwaldas ng pera. Alam nyang pahalagaan at bigyan ng importansya ang mga arian nya at ang mga bagay ng iba. Nang makaraan ang taon, ay maaga rin nawala ang ina nya, kaya kinailangan nyang mabuhay para sa sarili nya. Sinabi nya sa sarili nya, na ano man ang mangyari ay makakamit nya ang pangarap ng kanyang ina na makapagtapos ng pagaaral ang magkaroon ng magandang buhay. Pero paano nya magagawa yun, kung may isang makapangyarihan na lakas na kahit sino man ay hindi kayang pigilin? Paano kung pumasok sa buhay nya ang pagibig, kakayanin kaya nyang magpatuloy at magtagumpay? 7th January 2015