Aguhon ni Tadhana
  • Membaca 3,350
  • Suara 238
  • Bagian 3
  • Membaca 3,350
  • Suara 238
  • Bagian 3
Sedang dalam proses, Awal publikasi Feb 12, 2022
HINIRANG NA ANITO #2 | "Paano tayo tatakas mula sa kadena ng tadhana kung patuloy mong ikukulong ang sarili natin sa sawing kapalaran?" 

Mariing nakapikit ang mga mata habang pinagdidikit ang mga palad; sa ganyang hitsura lagi makikita ang dilag na si Tadhana sa t'wing papalubog ang araw sa dalampasigan. Parating dasal niya sa Hari ng Katubigan ay gisingin siya sa reyalidad o ibalik sa mundong kinagisnan.

Ngunit sarado ang tainga ni Amanikable mula sa hiling ng mga mortal. Hindi siya nababahala sa anumang alay o katapatang ibigay nila, kahit buong buhay pa ang kanilang isumpa. Sa halip, huramento ni Amanikableng maghiganti sa kanila matapos masawi.

Hanggang sa mag-krus ang landas nilang dalawa. Dinala siya ng mga baka-bakahan tungo sa dilag, habang tinuro naman ng aguhon ni Tadhana ang anito. 

Sa pagbubuhol ng kanilang kapalaran, mas lalong nakulong ang dalawa sa sumpa ng tadhana sa kanila. Sa pagpupumilit na kumalas sa isa't isa, mas lalo lang silang nasakal. At sa pagsasama naman ng dalawa'y nawala na sila sa landas.
Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang
Daftar untuk menambahkan Aguhon ni Tadhana ke perpustakaan Anda dan menerima pembaruan
atau
#8mitolohiya
Panduan Muatan
anda mungkin juga menyukai
Lucky 14 oleh famebad01
21 Bagian Lengkap
Sa loob ng isandaang taon, matapos mawala ang labin-tatlong batong nagbibigay balanse sa kalikasan ay umusbong ang giyera at pagkasira ng daigdig. Sa isang mundo kung saan hindi na umiiral ang kapayapaan ay mabubuo ang isang misyon. Sa utos ni Sthenios , hari ng mga diyos, ay mag uumpisa ang paglalakbay upang hanapin ang iba pang bato na siyang magbabalik sa kapayapaan ng daigdig. Si Jerabella, isang magiting na mandirigmang nagtataglay ng ika-labing-apat na bato na sumisimbolo sa Pag-ibig ay bababa mula sa Realm of Gods at susubukang hanapin sa daigdig ang pares ng kaniyang heart stone (Pusong bato😂😂), maging ng iba pang elemento, bago pa ito makuha ni Voxana, ang hari este reyna ng kasamaan. Pag-ibig, karunungan, liwanag, kadiliman, katubigan, kalupaan, at ang kapangyarihan ng buwan. Pitong elementong hawak ng pitong pares ng demigods. Paano nga ba matatagpuan ang mga mahiwagang batong nakatago sa mundo ng mga mortal? Mababago pa kaya ang mundo sa pamamagitan ng pag-ibig? Sa paraan na pilit nitong kinasusuklaman? Samahan si Jerabella sa kaniyang paglalakbay sa makulit na mundo ng mga mortal upang makamit ang isang kahilingan, sa Lucky 14. Realms of God mundo na high technology halos lahat ng bagay meron dun. Sa mundong walang basura, sariwa ang hangin, maganda ang liwanag ng araw pati na rin ang pa sikat ng buwan at mga tao dun ay maganda ang pangangatawan halos perfect sila kung sa normal lang na tao. Ang isang planeta naman kabaliktaran ng mundo ng Realms Of God kasi yung utak ng mga tao dun ay puro training para sa digmaan sa bawat isa. Walang love dun sa mundo na yun gusto lang nila palagi ng didigmaan. Halos yung hangin dun parang pinaghalo dugo at amoy ng ilog. Madaming dugo ang nasa paligid, madaming rin basura sa paligid at halos hindi mo ma intindihan ang mga tao sa sobrang nilang galit sa isa't isa.
Ang Mahiwagang Lihim oleh NexStoriesOfficial
150 Bagian Sedang dalam proses
🔥Isang Kwento sa Mundo ng Nexmythos 📜-Bago pa isinilang ang Dakilang Anak , bago pa narinig ang unang tibok ng puso ng tao, may lihim nang itinago sa pagitan ng liwanag ng mga bituin at ng kadiliman. Isang lihim na hindi isinulat sa aklat ng panahon, kundi sa mismong hibla ng kaluluwa ng sansinukob. Isang lihim na hindi nilikha, kundi itinadhana upang wakasan ang kasalanang hindi kailanman pinatawad. Mula sa alon ng walang hanggang dilim, bumangon ang Tatlong Haligi ng Kadakilaan: Ang Espiritu, Ang Likas na Lakas, at Ang Di-Matitinag na Kalooban. Ngunit sa gitna ng kanilang pagkakaisa, may isa sa kanila ang tumalikod... at tinawag ang sarili niyang diyos. Doon nagsimulang mabiyak ang langit. Ang mga tala'y nagdugo. Ang oras ay tumigil. At ang tinig ng liwanag ay tumahimik. Isang mahiwagang selyo ang inilimbag sa puso ng sangkalawakan-selyong walang sinumang mortal ang maaaring bumasa, maliban sa Isa. Isang nilalang na hindi lang isinilang, kundi ibinagsak sa daigdig. Isang nilalang na tila hamak na tao... Ngunit taglay ang kapangyarihang kayang gisingin ang mga patay na alamat at tapusin kahit pa ang pinakamakapangyarihang kasamaan. Ang mahiwagang lihim ay hindi hinahanap. Ito'y kusa lamang nagbubunyag... sa piling ng pusong handang masira upang buuin ang mundo. At sa pag-ikot ng mga bituin, at sa paghuni ng mga pangitain... Isinilang siya. Ang pangalan niya ay... hindi pa isinusulat sa kasaysayan. Ngunit malapit na. Dahil ang liwanag ay muling maglalakbay, at ang dilim ay muling magtatanong: "Handa ka na ba sa sagot ng lihim?" 📖 Huwag palampasin ang bawat kabanata ng kwentong hindi mo malilimutan! #NexStoriesOfficial #NexMythos #NexJavar #AngMahiwagangLihim #HariNgPulubi #PinoyStories #WattpadPH #FantasySeries #ActionAdventure #DarkFantasy #Romance #Mystery #HorrorFanatic #LihimNaKapangyarihan #UndergroundWar #SecretPower #TagongBayani #DarkFantasyWorld #BattleOfFate #BagongAlamat
anda mungkin juga menyukai
Slide 1 of 10
Zane Palles and the War for the Hidden Realm cover
BADHI cover
Beyond Her Imperfections cover
Lucky 14 cover
Ang Mahiwagang Lihim cover
Si Joshua Lagalag at ang  Engkantong Lunhaw cover
If Happy Ever After Did Exist  (COMPLETED) cover
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)  cover
Tonyo Chronicles: Ang Paglalakbay ng itinakda cover
Watching People's Feet III (teaser) cover

Zane Palles and the War for the Hidden Realm

4 Bagian Sedang dalam proses

Paano kung ang nawawalang ama mo ay isang prinsipe ng mahiwagang mundo-at ngayon, hinahabol ka na ng mga nilalang na pakawala ng Tito mo? Akala ni Zane Palles ay isa lang siyang simpleng estudyante mula sa Section C-hindi honor student, hindi sikat, at laging napag-iiwanan. Pero nagbago ang lahat nang isang field trip ang nauwi sa takbuhan, aswang, at mga out of this world na pangyayari. Ang totoo? Anak siya ni Orion, isang makapangyarihang prinsipe mula sa Biringan-isang tagong mundo ng mga diwata, engkanto, at nilalang mula sa unang panahon. Ang dugo ni Zane ay hindi basta dugo-ito'y mula sa lahi ng mga Nephilim, mga anak ng mga bumagsak na anghel at mortal. Ngayon, kailangan niyang takasan ang mundo ng tao, sanayin ang kapangyarihang unti-unting gumigising sa kanya, at harapin ang mga nilalang na gustong angkinin ang kanyang dugo para sa kadiliman. Kasama ang kanyang nanay na reyna pala (what?!), isang engkantong tagapagbantay na pinagtanggol niya noong Grade 2, at ilang misteryosong matatandang may kakayahang mag-transform, ang misyon ni Zane ay malinaw: mabuhay... at matuklasan ang katotohanan sa likod ng kanyang pagkatao.