Gusto lang naman ni Michelle patunayan sa mga magulang nya na kaya nya din magdesisyon para sa sarili nya. Kaya ng umuwi sya sa Pilipinas ay sinurpresa nya ang nobyo upang kausapin ito tungkol sa kasal. Ang hindi nya alam ay ibang surpresa ang naghihintay sa kanya dahilan para magkrus ang landas nila ni Axel, ang lalaking takas sa asylum.