[ HIS-TORY SERIES #1 - Independence Day sequel ] Ilang taon matapos ang pagkamatay ni Sedrik ay patuloy pa ring nakikita at nararamdaman ang kaniyang kabutihan sa mga taong minsang naging malapit sa kaniya. Isa na nga rito ang kapatid ni Jake na si Julius at ang isang dati niyang natulungan na si Kiko. Makikilala nila si Jairus na may isang matinding imahinaryong digmaan sa kaniyang isipan. Ang pagtatagpo ng landas nilang tatlo ay para malaman ang kani-kanilang mga pinagdaraanan at buhay. Dahil lahat sila ay mga bayaning nakikipaglaban sa walang katapusang digmaan na kung tawagin ay buhay. **** Disclaimer: Trigger warning. Some scenes may contain sensitive contents such as mental health and suicide.