For her
Sa likod ng mahabang taon ng pagkakaibigan, dumating ang gabing bumago sa lahat. Isang trahedyang hindi niya ginusto, ngunit sa kanya ibinuhos ang lahat ng sisi. Sa halip na yakapin at tulungan, siya'y nilait, hinusgahan, at iniwan sa gitna ng pangungutya. Sa tabi niya, nanatiling matatag ang kaibigan-tanging siya lamang ang may lakas ng loob na ipaglaban ang katotohanan. Ngunit sa bigat ng sakit at kawalang katarungan, napagod din ang kanyang puso. Hanggang sa tuluyan na niyang nilisan ang mundong ito, dala ang sugat na hindi naagapan ng hustisya at awa.