Ginawa ko po ito dahil ito po ang Nararanasan ko ngayon ^^ Panimula Friendzone – isang salitang kamakailan lang naimbento, pero nung una ko pa lang narinig ay naintindihan ko agad kung anong ibig sabihin. Malamang nagsimula lang ang salitang ito bilang isang joke o katuwaan sa mga nararanasan naming mga lalaki (at minsan mga babae rin) pero sa sobrang daming nakarelate ay tinanggap na ng buong mundo bilang isang totoong pangyayaring hindi maiiwasan. Pero ano ba talaga ang friendzone? Iba-iba ang definition nito depende sa tao, parang cool-off lang yan. Kaya bago ang lahat, sasabihin ko muna kung ano ang working definition ko ng friendzone