Masaya at mapagmahal ang isang Amaya Dela Rosa, maamo ang kaniyang mukha, masipa, at mairog. Mabilis siyang mabigyan ng atensyon, kaya't hindi maiiwasang magustuhan siya ng marami, dahil sa taglay niyang ka-gandahan. Sa reyalidad ay sadyang mahirap ang kaniyang buhay. Siya at ang kaniyang apat na anak na lamang ang magkakasama simula noong mawala ang isa sa pinakamamal niyang tao sa buhay. Ang kaniyang asawa. Mahirap bago mo maging kaibigan ang isang Amaya Dela Rosa. Ang sabi niya'y nawala na sa kaniya ang lahat nang iwan siya ng kaniyang asawa. Kasama na roon ang tiwala. Madali siyang bumigay ngunit sa kaniyang mahal lamang. Madaling matukso ngunit sa kaniyang mahal lamang. Madali siyang maging marupok ngunit sa kaniyang mahal lamang.
Si Apoy Lucero, mayaman, mabait, at maliit. Siya lang sa pamilya nila ang hindi mahilig sa libro, kahit anong pilit ay hindi mo magagawang mapa-basa ng libro ang isang Apoy Lucero. Malapit ito sa kaniyang lolo na tumayong tatay noong nawala ang kaniyang mga magulang. Malapit din ito sa kaniyang kapatid na siyang kasama niya sa bahay, para silang magbarkada dahil sa taglay na pagiging malapit nila sa isa't isa. Pagdating sa pagibig ay sabi niya'y malas siya dahil sa wala pa siyang nahahanap na babaeng mamahalin niya.
Booth place ang kaniyang paboritong lugar, dahil naroon ang babaeng matagal na niyang pinagmamasdan simula noong magtayo ng isang booth ang babaeng iyon. Sa isang araw ay matutupad ang kaniyang kahilingan na mapansin siya noong babae. Ngunit ang ikinababahala niya ay ang kaniyang lolo na strikto. Maipapakilala niya ito bilang kaibigan ngunit hindi bilang ka-ibigan.
Libro, isang librong maaaring makapagpabago ng buhay, isang librong maaaring makapagpaalala sa kanilang totoong nakaraan, isang librong hindi maaaring masira. Buhay ang nakataya, isa ang maaaring mamatay, isa ang maaaring maglaho, isa ang maaaring mawala sa mundo, at isa ang maaaring makalimutan ng lahat.