Sabi nila kapag nagmahal ka daw , hindi lahat ng oras masaya, hindi lahat ng pagkakataon eh kikiligin ka kasi dapat daw kaya mung tanggapin yung mga consequences. Dapat kaya mong ihanda yung sarili mo sa sakit na maaaring idulot sayo nyang nararamdaman mo. Dapat kaya mong tanggapin na sa pag ibig , hindi porket nagmahal ka eh ganun ganun na lang yun , di porket mahal mo yung isang tao eh mahal ka na din nya. Dapat malaman at maunawaan mo na hindi sa lahat ng oras eh , papabor sayo ang pagkakataon. Dahil minsan kahit gaano mo ipilit ang sarili mo sa isang tao, kapag talagang ayaw nya sayo , mababalewala at mababalewala pa rin ang efforts mo. Kahit gaano ka pa magpakatanga sa kanya, kung talagang hindi naman ikaw yung "type " nya , wala pa ring mangyayari. Imbes na saktan mo ng saktan yung sarili mo dahil sa pag reject , kahihiyan at pagpapaasa na ginagawa nya, bakit hindi mo na lang subukang iangat ang sarili mo at ipamukha sa kanya kung sino at ano ang pinakawalan nya :).
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.