Tumbling dito, buhat doon, hagis ng flyer, salo, ikot, talon, liyad, nga-nga at kung ano-ano pa! Parte lang yan ng buhay ko bilang isang cheerleader.
Akala ko madali lang. Oo, madali lang mabugbog ang katawan ko. Sa stretching pa lang, parang mapupunit ang singit ko. Sa pag bubuhat naman, mas mabigat pa yata sa ilang sakong bigas ang mga flyers namin!
Pero hindi madali maging cheerleader. Pinapalakpakan at hinahangaan man kami dahil sa mga stunts, tosses and tumblings namin, sa likod nun ay ang madugong training namin araw-araw.
Idagdag mo pa ang discrimination at stereotypes lalo na ng mga taong makikitid ang utak. Pag sinabi bang lalaking cheerleader, bakla agad? Dahil sa mga stunts, nakaka-chansing na agad sa mga flyers? Di ganon yun mga friends! Di ako manyakis at di ako bakla noh!
Pero nang umeksena na ang dalawang damuhol sa buhay ko, aba'y napa tumbling at napa toe-touch yata ang puso ko.
Haay! Sino ba sa dalawa? Eeerrr! Sino!?
Sino sa kanila ang cheerleader ng buhay ko?