"Dear Diary, sabi nila masarap umibig at magmahal. Feeling heaven daw. Pero bakit halos lahat ng umiibig eh umiiyak at nasasaktan? Buo na ang desisyon ko, hinding hindi ako magmamahal. WTF Wala talagang forever...." Sa murang edad na-exposed si Lian sa pasakit at hirap ng buhay mag-asawa. Isa ang kanyang ina sa mga taong naapektuhan ng ganitong uri ng sigalot sa pamilya. Ipinangako niya sa sarili na hinding hindi kailan man siya hahantong sa pag-aasawa. Maski ang pakikipagrelasyon ay hindi magkakaroon ng puwang sa kanyang puso. Poprotektahan nya ang kanyang sarili sa sakit na idudulot ng salitang pagmamahal. Pero parang tukso si Kupido, tatamaan ka nito kahit di mo gusto. Anong dapat gawin? Susubukan ba ni Lian ang umibig kahit mabigo? o hahayaan na lang nyang lumampas sa kanyang palad ang adonis na nagpatibok ng kanyang puso? (PS. I dedicate this story to my adopted sons and daughters... UCC BS HRM2A class.... Gillian, Clark, Heidi and Jam, and outside this program ang mga Bae ng buhay ko Dave, Anacleto, Xian, Don and AJ. At Zeth from LPU. Sana wala akong nakalimutan love u guyz... mwuah)