Sa tagal na panahong hindi umuwi si Ken sa Pilipinas ay naisipan niyang magbakasyon. Ngunit napunta ang kanyang bakasyon sa isang bagong lugar sa kanya. Dito niya nakilala si Daeva Guttierez. Ngunit sa kaniyang paglapit ay hindi niya inaasahang masasaktan siya dahil sa kakaibang lakas ng babae. Parang lalaki kung manamit ngunit may maamong mukha. Hindi mo makikita sa kanyang mukha ang interes sa mga nakapaligid sa kanya. Mailap sa lahat ng tao at hindi nakikipag-usap ng matagal. Nahihiwagaan si Ken sa kung paano ang pakikitungo ni Daeva sa lahat ng tao. Hindi naman siya masungit dahil kapag may nagtatanong sa kanya ay sinasagot naman niya. Ngunit sa panahong kinikilala niya si Daeva ay hindi niya namalayang nahulog na pala ito.