Naramdaman niyo na ba yung feeling na di kayo napapansin, pinapansin at mapapansin ng taong mahal niyo? Ako, kasi, oo. Naramdaman ko na ito kay Kian Kier Acosta. Ang ordinaryong lalaki na may simpleng buhay. Gwapo, matalino, friendly at hearthrob. Simula ng lumipat siya ng Benson Academy at simula ng makita ko siya, nag-iba ang buhay ko. Tuwing nakakasalubong ko siya, may something sa tiyan ko at bumibilis ang tibok ng puso ko. Posible bang na LOVE AT FIRST SIGHT ako? Magugustuhan niya ba ako? Sino nga ba ako para magustuhan niya? Ako lang naman si Pamela Erisha Castillo. Isang dakilang dork, bookworm, matalino ako ng sobra but I'm not a nerd. Isang typical na babae lamang. So, sino nga ako para magustuhan niya diba? Ang daming babae sa school tapos ako pa talaga magugustuhan? Sus. Di naman ako kagandahan. Wala na akong pag-asa. Di niya ako napapansin, papansinin at mapapansin. Kaya siguro, mag-isa lang akong umiibig. --- Inspired by Yeng Constantino's Siguro