Hindi malaman, naguguluhan. Iniintindi ang kadahilanan, Sa bawat katanungan. Nagbigay ng sariling kasagutan, Namamanglaw ang kalooban. Pilit winasak ang nakaharang sa pagitan, Ang pagitan nating dalawa--malabong magkatuluyan. Inabanduna ang lahat na pinaghirapan, Kasama na roon ang pag-ibig na tanging ikaw lamang ang kinahumalingan.