7 parts Complete Mula sa lahi ng Emperador, isang batang ginto ang isinilang. May kakayahan siyang manipulahin ang lahat ng elemento. Mula naman sa pamilya ng mga enkanto ay pinanganak ang isang Dilang Pilak na may kakayahang pasunurin ang lahat ng bagay at nilalang sa mundo.
Nagkatagpo ang dalawang malalakas na nilalang na ito, at sa kanilang pagkikita, ay nagawang magkabigkis sa isa't-isa.
Ngayong may nagbabadya na digmaan, kailangan nilang iligtas ang kanilang sarili, pati na rin ang kanilang mundo, bago pa ito magunaw nang dahil sa kasakiman ng mga namumuno rito.