Si Nadhia ay pumasok sa kasal na ito upang gampanan ang huling kahilingan ng kanyang yumaong kambal na si Nallie-isang huling pagsubok upang itama ang mga pagkakamali ng nakaraan. Ngunit ang magpanggap bilang si Nallie, ang babaeng tunay na minahal ni Voxx, ay isang imposibleng misyon. Bawat mapagmahal na titig mula kay Voxx ay isang masakit na paalala na isa lamang siyang impostor. Habang unti-unting nauunawaan ni Nadhia kung bakit minahal at hinangaan si Nallie, nagsisimula rin siyang makita kung ano ang nagustuhan ni Voxx sa kanyang kambal. Ngunit mas lumalala ang lahat nang mapagtanto niyang unti-unti na rin siyang nahuhulog kay Voxx. Ang problema? Hindi siya si Nallie, at ang pagmamahal ni Voxx para sa yumaong babae ay tila isang hadlang na hindi niya kailanman malalampasan. Kapag lumabas na ang katotohanan, makikita pa kaya ni Voxx si Nadhia bilang siya mismo? O mananatili siyang anino lamang ng babaeng hindi niya kailanman mapapalitan? "Until When?" Ilang beses ko nang tinanong ang sarili ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makuha-kuha ang sagot. Kailan nga ba ang tamang panahon para masagot ang isang tanong na 'yon?All Rights Reserved