Buong buhay ni Allie ay nasanay siyang napapalibutan ng maraming kulay. Bilang isang pintor, nasanay siyang ipahayag ang sarili gamit ang canvas at pintura. At dahil hindi siya nakatakdang mabuhay nang matagal, wala siyang ibang pinangarap kung hindi ang gugulin ang natitirang mga sandali niya sa mundo sa pamamagitan ng paglikha ng mga alaala sa pamamagitan ng pagpipinta. Subalit isang gabi, nasangkot siya sa isang malagim na aksidenteng naging dahilan ng kanyang pagkabulag. Sa isang iglap, literal na nagdilim ang mundo para sa kanya at sa tingin niya ay mamamatay siyang hindi na muling nararanasang makita ang bahaghari. Hanggang sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Charlie---isang lalaking hinahanap ang sariling espasyo nito sa mundo. Noong una ay aminado siyang napipilitan lamang siyang pakisamahan ang lalaki dahil sa hindi malamang dahilan, kakatwang lahat ng mga bagay na nasa "wishlist" niya ay gusto ring gawin ng lalaki. It's as if he has her notebook to which her dying wish was written. Pero imposible 'yon dahil kasabay na nawala ng kanyang paningin ang notebook na iyon. Si Charlie ang nagsilbi niyang paningin habang tinutupad ang kanyang dying wish. Unti-unti, may sumilip na mga kulay sa kanyang madilim na mundo. Pininturahan ni Charlie ng pula, asul, dilaw at kahel ang mga natitirang araw niya. Nang dahil sa lalaki, naranasan niyang maging masaya. Pero kung kailan handa na siyang aminin sa lalaki na mahal niya ito ay saka naman niya nalaman na pinlano pala nito ang lahat. Dahil kung mayroon mang nag-iisang lalaki na hindi niya puwedeng piliin at mahalin, iyon ay si Charlie. Natuklasan niya kung sino at ano ito sa buhay niya at tila napaaga ang kanyang kamatayan dahil sa mga bagay na kanyang natuklasan.All Rights Reserved
1 part